WebClick Tracer

No problem! Anthony Davis tiwalang makakapasok ang Lakers sa playoffs

Tiwala si Anthony Davis na kayang-kaya na makapasok ng Los Angeles Lakers sa paparating na playoffs kahit na ang koponan ay nakikipagsiksikan sa Western Conference.

Hindi umano sila kulang at nasa koponan na ang kanilang mga kailangan.

“I think we’ve got everything we need. It’s just about going out and applying it,”

Kayang-kaya rin umano ng Lakers na magkaroon ng “run” sa playoffs.

“We can definitely make a run. We’ve got all the right pieces from top to bottom.”

Sa kasalukuyan, nakaupo ang Lakers sa ika-siyam na pwesto sa Western Conference at may record na 38-38.

Bukod sa Lakers, kabilang ang Dallas Mavericks, Oklahoma City Thunder, Minnesota Timberwolves at New Orleans Pelicans sa mga naghahabol ng panalo upang makasingit sa playoffs. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on