Matapos magreyna sa 2023 PVL All-Filipino Conference, maghahanda na ang ilang player ng Creamline Cool Smashers upang katawanin ang Pilipinas sa 32nd Southeast Asian Games nitong Mayo.
Ayon kay Creamline head coach Sherwin Meneses, ilan sa kasado para lumaro sa national team sina Tots Carlos, Jema Galanza, Michele Gumabao at Jia Morado.
“Magko-commit din kami para makatulong sa SEA Games team natin,” pahayag ni Meneses nang tanungin kung ano ang susunod nilang plano matapos masungkit ang kampeonato.
“Siguro ‘yun muna ‘yung next priority ng team, na makatulong sa national team,” dagdag niya.
Ang 2023 Southeast Asian Games o 32nd Southeast Asian Games ay isasagawa mula Mayo 5 hanggang Mayo 17 sa Phnom Penh, Cambodia. (IS)