WebClick Tracer

‘Nothing compares’: Ina ni Jake Zyrus sinabing walang katulad boses ng anak

Sinabi ni Racquel Pempengco, ina ng singer na si Charice Pempengco na mas kilala ngayon bilang Jake Zyrus, na walang katulad ang boses ng kanyang anak.

Sa live show ni Canadian musician na si David Fostern na ginanap sa The Theater, Solaire noong Marso 21-26 kung saan isa si Morissette Amon sa kanyang naging special guests.

Sa naging performance, kinanta ni Morissette ang “I Have Nothing” ni Whitney Houston.

Nag-react dito si Racquel na nagsasabi na alam niya ang hanap ni David pagdating sa boses.

“[Alam] ko ang timbre ng boses na hinahanap mo DF. Sinabi ko naman sa inyo noon pa, nag-iisa lang ang boses na ‘yan,” aniya.

“Kahit kanino mo pa ipakanta ‘yang song mo, ‘di mabibigyan ng hustisya. No goosebumps, no standing ovation, nothing compares. Nag iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco,” dagdag pa niya.

Nilinaw naman ni Racquel na hindi si David ang sumuporta sa kanyang anak kundi si Oprah Winfrey.

“At para sa kaalaman ng lahat, hind[i] po si DF (David Foster) ang nagpasikat sa kaniya kundi si OPRAH. Ni-reject nga noon no DF si Charice. Kaya wag na umasa na may isasama pa, masasaktan lang,” saad pa niya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on