WebClick Tracer

Malinaw na panuntunan sa promosyon ng mga guro ilalatag

Inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukala na paglalatag ng Career Progression System para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Ang substitute bill ay pinag-isang bersyon ng House Bill (HB) 1580 na akda ni Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at HB 3554 ni Batangas Rep. Ralph Recto.

Inaprubahan din ng komite ang report na isusumite sa plenaryo ng Kamara.

Layunin ng pagtatayo ng Career Progression System ang pagkakaroon ng malinaw na pamantayan para sa promosyon ng mga guro sa public school system.

Ang mga guro ay ipo-promote batay sa kanilang merito at kakayanan na susuriin ng isang independent third party.

Ang independent third party ay magsasagawa ng ebalwasyon sa mga guro batay sa guidelines na ilalabas ng Department of Education.

(Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on