Nagkita muli sina Heart Evangelista at Jericho Rosales kasama ang iba pang mga artista at ang dating Star Magic head na si Johnny Manahan.
Ibinahagi ni Heart ang ilang snapshots kasama ang kanyang dating dyowa na si Jericho.
Kasama nila sa reunion na ito sina Bea Alonzo, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, Maja Salvador, at Kyle Echarri.
“About last night. Growing up together was fun… seeing where life has taken all of us is pretty cool,” caption ni Heart sa kanyang Instagram account.
Noong 2008, naghiwalay silang dalawa at tuluyan nang tinapos ang tatlong taong relasyon.
(Jan Terence)