WebClick Tracer

Damian Lillard babu na ngayong season

Hindi na masisilayan pa si Damian Lillard ngayong season matapos ianunsyo ni Chris Haynes ng Bleacher Report na “held out” na umano ito sa mga natitirang laro ng regular season.

“With injury-plagued Portland Trail Blazers out of the playoff picture, superstar guard Damian Lillard will be held out the remainder of the season,”

Si Lillard ay may average na 32.2 puntos, 7.3 assists at 4.8 rebounds kada laro.

Sa kasalukuyan, nasa ika-13 na pwesto ang Portland Trail Blazers sa Western Conference, malayo sa labanan upang makapasok sa playoffs. Sa pagkawala ng ka-tandem dati ni Lillard na si CJ McCollum, mga bagitong manlalaro ang naiwan sa koponan, ito ay sina Anfernee Simons, Cam Reddish at Shaedon Sharpe. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on