Unti-unti nang gumagaling si Senador Ramon ‘Bong” Revilla Jr. matapos sumailalim sa gallbladder surgery.
Sa kanyang Facebook live nitong Miyerkoles, inihayag ni Revilla na palabas na siya ng opsital matapos tanggalin ang kanyang glassbladder.
“Ngayon palabas na ako. Wala na yung aking gallbladder. Yun ang cause ng aking pain,” pahayag ni Revilla.
Isinugod sa ospital si Revilla noong Lunes, badang alas-4:30 na madaling araw.
Sa hiwalay ng Facebook live ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla, sinabi nitong inakala nilang acid refluc lang ang naramdaman ng kanyang asawa subalit matapos ang ilang pasusuri, nadiskubreng may gallstones ito at namamaga na rin gallbladder.
Sabi ni Revilla, ang pamamaga ng kanyang gallbladder ay dahil sa apgkain niya ng chicharon bulaklak.
“Oily food. So dati nang may bato sa gallbladder kaya dapat nache-check niyo yan. Wag niyo nang hayaan na pumutok yung mga ganon,” sabi ng senador.
(Dindo Matining)