Hindi na muling makakatapak pa sa court ngayong season si Ben Simmons matapos ianunsyo ng Brooklyn Nets na hindi na nila ito paglalaruin.
Ang dahilan umano ay ang iniinda nitong nerve injury sa kaniyang likuran.
Inaasahan naman na ang 26 taong gulang na si Simmons ay magsisimula na sa isang rehabilitation program upang makarekober.
“I want to coach Ben and I want to be able to push Ben to get back to all-defensive team and impact our team on both ends of the floor,” ayon kay Nets coach Jacque Vaughn.
Si Simmons ang no. 1 overall pick noong 2016 NBA Draft at napunta ito sa Philadelphia 76ers ngunit kamakailan lang ay itinaboy na ito ng koponan at napunta naman sa Nets.
42 games lamang ang nailaro ni Simmons para sa Nets at may average ito na 6.9 puntos, 6.3 rebounds at 6.1 assists. (CS)