Kumpirmado umanong preggy uli si Toni Gonzaga pero ayaw daw muna itong ianunsyo.
Ayon sa source ng showbiz writer na si Reggee Bonoan, naghihintay pa ng tamang oras upang isapubliko ang muling pagbubuntis ni Toni dahil baka raw ma-stress lamang ito sa magiging reaksyon ng netizens.
“Wala pang planong ilantad na buntis si Toni, pati kung ilang buwan ay hindi rin sinabi.
“Siguro may hinihintay na perfect time, saka baka kasi ma-stress pag isinapubliko na nila. Alam mo naman ang netizens baka kung ano lang ang masabi,” saad umano ng source ni Bonoan.
Noong September 2016 pa isinilang ni Toni ang first baby nila ni Paul Soriano na si Seve.
(IS)