WebClick Tracer

Raquel Pempengco bumanat kina Morissette, David Foster: ‘Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice’

Nag-real talk ang ina ni Charice Pempengco, na mas kilala nang si Jake Zyrus, matapos mapanood ang performance ni Morissette sa concert ni David Foster.

Ani Raquel Pempengco, wala pa ring makakapalit sa boses ng anak niyang si Charice.

Ginanap ang concert ni David sa Solaire, kung saan kumanta si Morissette ng Whitney Houston song, kabilang na ang “I Will Always Love You”.

Kinumpara ni Raquel ang pag-awit ni Morisette sa kanyang anak na si Charice.

Ani Raquel sa Facebook post:

“Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap mo DF (David Foster).. Sinabi ko naman sa inyo noon pa… nag iisa lang ang boses na yan. Kahit kanino mo pa ipakanta yang song mo.. Di mabibigyan ng hustisya.”

Dagdag niya: “NO GOOSEBUMPS.. NO STANDING OVATION.. Nothing compares…. Nag iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco at para sa kaalaman ng lahat. Hindi po si DF ang nagpasikat sa kanya kundi si OPRAH. Nireject nga noon ni DF si Charice. Kaya wag umasa na may isasama pa… Masasaktan lang.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on