Isang sweet birthday message ang handog ni Veronica “Kitty” Duterte sa ika-78 kaarawan ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong March 28.
“Strong is an understatement. love is your language. happy birthday to our dada,” panimula ni Kitty sa Instagram post ng mga throwback photo nilang mag-ama.
“Such a rare mind and a fiery soul. we are proud to be your girls, always,” dagdag niya.
Kabilang din sa bumati kay dating Pangulong Digong ang kasalukuyang Presidenteng si Bongbong Marcos.
Nangako siya kay Duterte na ipagpapatuloy at magtatagumpay ang mga nasimulan nitong proyekto.
“Huwag niyong inaalala lahat ng magandang sinimulan ninyo, we will continue to work on it. We will continue to make sure that those projects that you started will be successful and I am glad that I am able to continue the good work that you started,” pahayag ni Pangulong Marcos. (IS)