WebClick Tracer

Jane de Leon, Janella Salvador nag-date sa Blackpink concert

Certified Blinks din pala sina Jane de Leon and Janella Salvador.

Spotted silang dalawa na kabilang sa celebrities na dumagsa sa concert ng Blackpink sa Philippine Arena sa Bulacan.

Sa kani-kanilang Instagram page ay binahagi nina Jane at Janella ang ilang ganap nila sa concert.

Makikita sa ilang larawan na sweet na sweet ang dalawa.

“My heart is so happy! After 4 years nakita ko ulit sila. Kapagod but worth it!” sey ni Jane sa caption.

Siyempre pa ay maraming nagsi-ship sa kanila ni Janella ang kinilig.

“Wowww nasaharapan sila darlintina.”

“Omg cuties niyoooo.”

“My janenella heart.”

“Yung holding hands tlga eh.”

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on