Hindi pumayag na magpawalis ang defending champion Creamline Cool Smashers sa Petro Gazz Angels at nakapuwersa ng winner-take-all Game 3 sa 2023 PVL All-Filipino Conference Finals.
Buhay pa ang pag-asa ng Cool Smashers para sa All-Filipino title matapos malusutan ang Angels sa kapana-panabik na five set, 18-25, 25-16, 25-18, 23-25, 15-6, sa Game 2 ng best-of-three finals series sa Mall of Asia Arena.
Tinanghal na Player of the Game si Jia de Guzman sa kinananang 30 excellent sets.
Nag-ambag din si Jema Galanza ng 17 points, Michele Gumabao (21 pts) at Tots Carlos (20).
Abot-kamay na sana ng Petro Gazz ang kauna-unahan nitong All-Filipino title nitong Martes, nang manaig sa Creamline sa unang pagkakataon sa opening finals game noong Linggo, Marso 26.
Itataya nang lahat ng Cool Smashers at Angels ang lahat para makuha ang tropeo sa muli nilang paghaharap sa Marso 30 sa MOA Arena pa rin. (IS)