WebClick Tracer

Camille Prats mala-pelikula pagrekober sa nanenok na iPhone sa Blackpink concert

Nawalan ng iPhone si Camille Prats nang manood ng Blackpink concert sa Philippine Arena noong March 26.

“My phone got stolen from my bag before the concert started.

“Called VJ right away so they can mark my phone as lost using my laptop and erase all the data as well,” sey ni Camille sa IG Stories.

Bago nito’y may nailagay na raw si Camille na tracker sa kanyang cellphone para ma-trace ang location nito.

Na-trace raw ang cellphone niya na nasa parking area pa ng Philippine Arena.

Dali-dali raw nagtungo sa arena ang kanyang asawang si VJ.

Noong time na ‘yun ay naka-lock na raw ang cellphone ni Camille at nabura na ang mga laman nito sa pamamagitan ng laptop.

“It was also turned off by the person holding it,” sabi pa ni Camille.

Nakauwi na raw sila ng alas-3 ng madaling-araw noong March 27 matapos sundan ang location ng cellphone at kung saang bahay ito dinala.

Alas-8:30 ng umaga ay nata-track pa rin daw nila ni VJ na naroon pa rin sa naturang bahay ang cellphone niya kaya humingi na sila ng tulong sa kapulisan pati na sa homeowner’s association ng village.

Itinanggi raw ng mga nakatira sa naturang bahay na nanggaling ang mga ito sa Philippine Arena.

Nang magbalik sila sa presinto ay tinanong ni VJ at ng mga pulis kung puwedeng i-review ang CCTV footage ng village para makita ang mga pumasok na sasakyan sa lugar sa pagitan ng 1:15-1:20AM dahil sa notification daw ng cellphone ay nakarating ito sa bahay ng 1:20AM.

Bandang 1PM daw ay nagbago ang location ng cellphone sa “near IBP road” kasunod ay sa grocery store sa Commonwealth Avenue.

Sinundan ito ng mag-asawa kasama ang mga pulis subalit tumigil din sila dahil tila maliit na raw ang chance na mabawi nila ang cellphone dahil nasa public place na.

Alas-4 ng hapon nang pauwi na raw sila ay nakita nilang gumalaw muli ang cellphone niya at nasa police station na.

Pagpatak ng alas-5:30 ng hapon ay naisip daw ni VJ na baka sinurender sa police station ang cellphone ni Camille dahil naroon pa rin ito ayon sa tracker.

Tinawagan daw nila ang mga pulis na nauna nilang nakasamang naghanap ng cellphone.

Pagdating daw ng alas-6 ng gabi ay nakatanggap sila ng tawag mula sa kanyang kapatid na may kakilala sa police station na nagsabing may nag-surrender na sa cellphone ni Camille sa presinto na motorcycle delivery service.

“We found the phone,” masayang sabi ni Camille.

Sa Instagram ay flinex ni Camille ang nabawi niyang cellphone at ang mga pulis na tumulong sa kanila.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on