WebClick Tracer

Multa sa power distributors kulang, dapat ay refund din

Bukod sa pagpapataw ng multa dapat umano ay ipa-refund sa mga power distributor na sobra-sobra ang biniling suplay ng kuryente na kanilang pinababayaran sa mga konsumer.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers hindi dapat “mere slap on the wrist” lang ang maging parusa sa mga power distributor na dumadagdag sa pasanin ng mga konsumer.

“The call to penalize power distributors that overcontracted power supply and imposed the costs to consumers is a good call. But imposing fines on their mismanagement is not enough. They should be made to refund to the consumers who paid for electricity that they never used. The refund can come as discounted billings spread over a certain period,” sabi ni Barbers.

Sinabi ni Barbers na sa Surigao del Norte ay mataas din ang presyo ng kuryente.

“In Surigao del Norte, we have been experiencing the same problem for years now. Napakataas po ng electricity rates doon. This seemingly becoming trend or practice has to stop and the ERC should do something about it ASAP,” dagdag pa ni Barbers.

Iginiit din ni Barbers na dapat masusing imbestigahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang maling gawain ng mga power distributor.

“It is indeed rubbing insult to injury. The ERC should immediately dig deep into its investigations and take action to protect the consumers,” sabi pa ng mambabatas. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on