WebClick Tracer

Hepe ng Bulacan police sapol ng bala sa ulo, todas

Patay ang hepe ng kapulisan sa San Miguel, Bulacan sa ikinasang police operation noong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat sa DZBB, nasawi ang biktimang si Police Lt. Col. Marlon Serna nang tamaan umano ng bala sa ulo matapos na magpaputok ang dalawang suspek sa San Ildefonso.

Rumesponde umano ang San Miguel Police, sa pangunguna ni Serna, tungkol sa ini-report sa kanilang insidente ng pagnanakaw sa Barangay San Juan bandang alas-9 ng gabi.

Imbes sumuko ay nanlaban umano ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa Buhol na Mangga, kung saan tinamaan umano ng bala si Serna.

Nadala pa sa ospital ang biktima subalit kalaunan ay namatay din umano.

Pinaghahanap pa ang mga nakatakas na suspek. (IS)

https://www.youtube.com/watch?v=RDBMf0WHR6

TELETABLOID

Follow Abante News on