WebClick Tracer

Villafuerte: Senado, Kamara pag-usapan Cha-cha ngayong bakasyon

Iminungkahi ni National Unity Party president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang pagpupulong ng Senado at Kamara de Representantes upang pag-usapan ang pag-amyenda sa Konstitusyon ngayong congressional break.

Sinabi ni Villafuerte na mag-usap ang mga senador sa pangunguna ni Sen. Robinhood Padilla at Kamara sa pangunguna ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa isang open session sa halip na gawin ito sa isang closed door meeting gaya ng nais ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Itinulak ni Villafuerte ang pagpupulong matapos na bawiin ng Senado ang imbitasyon nito kay Rodriguez para dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pinamumunuan ni Padilla.

Sa isang panayam noong Miyerkoles, sinabi ni Padilla na makatutulong sa kaniya sa paggawa ng report ng komite kung makakausap nito ang mga kongresista para sa gagawing panukalang constitutional reform.

“We still have many things that we want to happen. The reason we can’t still adjourn (committee hearings), because we’re hoping that we’d be given permission to have a face-to-face discussion with our counterparts in the House,” sabi ni Padilla.

Iginiit muli ni Villafuerte ang pangangailangan na maamyendahan ang Saligang Batas upang dumami ang foreign direct investments (FDIs) sa bansa na lilikha ng maraming trabaho at magpapabilis sa pag-angat ng ekonomiya.

“Holding the called-off meeting on RBH 6 and HB 7325 even during the summer break of the Congress will drive home the message on the urgency of constitutional reform, given that we cannot hope to replicate the inrush of FDIs to our more vibrant neighbors for so long as we remain stuck with the antiquated economic provisions of our Constitution on restricted foreign participation in Philippine businesses that that have put off investors,” sabi pa ni Villafuerte.

Ang RBH 6 o Resolution of Both Houses no. 6 ay nagpapatawag sa constitutional convention (Con-Con) na siyang gagawa ng mga panukalang amyenda samantalang ang House Bill 7325 ang panukala na magpapatupad nito.

Ang dalawang panukala ay inaprubahan na ang Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

(Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on