Kumpletos rekados ang 31st birthday ni Ria Atayde ngayong March 23.
Maliban sa kanyang pamilya ay nakasama rin niyang nag-celebrate ang ilang kaibigan gaya nina Kathryn Bernardo, Enchong Dee at Joshua Garcia.
At siyempre pa, present din ang boyfriend niyang si Zanjoe Marudo.
Sa Facebook ay ipinost ng momshie niyang si Sylvia Sanchez ang ilang larawan ng naging celebration sa kaarawan ng aktres.
“Happiest Birthday @ria Potpot Love you,” ani Sylvia. (IS)