WebClick Tracer

Rendon Labador nanggigil kay Coco: ‘Mahina talaga mag-isip’

May bagong banat ang social media influencer na si Rendon Labador kay Coco Martin dahil abala umano ang shooting ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ sa mga nagtitinda sa Quiapo Church.

Ayon kay Rendon, hindi daw naiintindihan ni Coco ang kanyang mga patama sa social media.

“Hindi naintindihan ni Coco ang punto ko, antagal sumagot tapos sablay pa,” sey ni Rendon.

“Mahina talaga mag isip si Coco, pang scripted lang talaga.”

Sa nagdaang panayam kay Coco, sinabi niya na hindi na niya gustong patulan si Rendon, na dating sinabi na kinukuha raw siya dati ng ‘Batang Quiapo’ para maging artista.

“Sa’kin kasi, sabi nga nila kung sino ‘yung nakakaunawa, pagpasensyahan mo na lang,” lahad ni Coco.

“Mas marami tayong bagay na pwedeng pag-ukulan,” aniya pa.

Nilinaw rin ni Coco na nagpaalam naman daw sila sa mga kinauukulan tuwing sila ay may shooting.

“Nagpaalam po kami sa mayor, sa city hall, meron din po kaming permiso mula sa ating kapulisan, sa barangay at pati po sa simbahan ng Quiapo,” ayon pa sa aktor.

TELETABLOID

Follow Abante News on