WebClick Tracer

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagpapawis sa jiu-jitsu

Kung ang ibang couple ay pamamasyal sa mall o panonood ng sine ang bonding, kakaiba ang ginawang date ng celebrity couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Nagpapawis sina Rabiya at Jeric sa pamamagitan ng jiu-jitsu.

Sa IG ay ibinahagi ni Rabiya ang video habang nakikipagtagisan sila ni Jeric ng lakas sa kanilang mga coach.

Sabi ng beauty queen, mabuti raw ang jiu-jitsu sa pag-build ng strength and power.

“Jiu jitsu training for today! Don’t worry no one was badly harmed in making this video. We were supervised by trained coaches,” sey ni Rabiya.

React ng isang netizen, “Parang totoo na ung gigil mo rab ah HAHAHAHAHAHAHAA.”

Sambit naman ng isa, “Nagreready na si queen para sa bardagulan sino ba kasi kaaway mo queen HAHAHAHAHAHAHA.” (IS)

View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


TELETABLOID

Follow Abante News on