WebClick Tracer

Makabayan ipinasisilip ang umano’y state-sponsored sugar smuggling

Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara de Representantes upang paimbestigahan ang umano’y state-sponsored smuggling ng asukal.

Sa House Resolution 891, hiniling ng mga mambabatas sa House Committee on Agriculture and Food na pangunahan ang isasagawang imbestigasyon.

“It is important to probe the entry of some 260 shipping containers of sugar from Thailand consigned to All Asian Counter Trade Inc., ahead of the issuance of Sugar Order No. 6,” sabi sa dalawang pahinang resolusyon.

Dumating umano ang mga asukal sa port of Batangas noong Pebrero 9 o isang linggo bago inilabas ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang SO No. 6 noong Pebrero 15.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban isang memorandum ang natanggap nito mula sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin at binigyang kahulugan ito bilang isang utos na ituloy ang pag-angkat ng asukal kaya naglabas ito ng utos sa tatlong kompanya na mag-angat ng asukal upang hindi magkaroon ng kakulangan sa suplay na magpapataas sa presyo.

Ang SO No. 6, ayon sa resolusyon ay walang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang acting Secretary ng Department of Agriculture. Ang nakalagda umano rito ay sina Panganiban, SRA Administrator David John Alba, at SRA board members Mitzi Mangwag, at Pablo Luiz Azcona.

“The arrival of the ‘smuggled sugar’ and issuance of the sugar importation order happened while sugar plantation farmers and mill workers of the Central Azucarera Don Pedro Inc. in Batangas were protesting the permanent closure of CAPDI, a subsidiary of Roxas Holdings Inc. The closure could affect 10,980 hectares of sugarcane areas and could leave 4,584 sugarcane planters bankrupt,” sabi sa resolusyon.

Ayon sa HR 891 may katulad na resolusyon na inihain si Sen. Risa Hontiveros sa Senado. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on