Pinabulaanan ng aktres na si Kira Balinger ang akusasyon na may nangyaring “third party” sa karelasyon na si Kelvin Miranda.
“I do not steal men, I do not run after them. They come to me,” pahayag ni Kira.
“Hindi po ako third party. King ano man po yung napag-usapan nilang dalawa, wala na po ako doon. From a woman to another woman, I understand that pain pero from my point of view, wala po akong alam and I’m confident to say na hindi ako kabit gaya ng sinasabi ng lahat,” dagdag niya pa sa isang panayam.
Nilinaw din ng aktres na hindi siya talaga ang dahilan nang hiwalayan ng dalawa.
“I do not steal men, I do not run after them. They come to me,” ani Kira.
“It was my mistake. I entertained one too many, and I am sorry for that. I am making up for it. I took accountability for my actions,” pagpapatuloy niya pa.
(Jan Terence)