Puring-puri ni “Heneral Luna” star John Arcilla ang mga katrabaho niya sa “Dirty Linen” na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.
Sa programang “Marisol Academy” sa Abante News Online, nahingan ng reaksyon si Arcilla tungkol sa FranSeth.
“Ang kaibahan kasi ng mga actors ngayon na mga bata, ang dami na rin nilang napanood at saka ang lawak ng kanilang palatuntunan, ang bilis nilang gumaling.
“Actually si Francine sobrang napakagandang bata, napaka-sensitive. Kung ano ‘yung ipagawa sa kanya ng direktor wala kang makikitang parang… dive kaagad siya, sobra,” ani Arcilla.
Puring-puri rin ng aktor ang isa pang co-star niyang si Seth na “napakanatural” daw sa aktingan.
(IS)