Dalawang mananaya ang maswerteng paghahatian ang P33.6 milyon jackpot prize sa 6/49 Super Lotto.
Ang dalawang mananaya ay mula sa San Mateo, Rizal at Pasay City. Nadali ng dalawa ang winning numbers na 12-29-35-34-13-08.
Samantala, paghahatian naman ng nasa 50 na mananaya ang P50,000 matapos mahulaan ang limang numero sa winning numbers.
(CS)