WebClick Tracer

Bag na puno ng baril, nadiskubre ng isang mangingisda sa New York

Imbes na isda ang makuha ng isang mangingisda sa New York, isang bag na puno ng baril ang nadiskubre nito sa Jamaica Bay.

Ang 44 taong gulang na lalaki ay nadiskubre ang tatlong baril sa loob ng isang plastic bag.

Mabilis naman itong nagtungo sa police station upang i-report ang kaniyang natagpuan.

Nang magtungo naman ang divers ng NYPD emergency service sa katubigan ng nasabing lugar, may muling natagpuan na rifles at 14 na handguns.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on