WebClick Tracer

David Licauco nag-first move kay Arra San Agustin

Isiniwalat ni David Licauco na nabighani siya noon kay Kapuso actress Arra San Agustin.

Pero ani David, nung mga panahon pa raw ito nang pumapasok pa sila sa kolehiyo.

Unang beses daw niyang nakita si Arra sa school noong 2012 ay naging crush na niya ito.

“Nakita ko siya sa isang restaurant sa La Salle. I mean, lahat naman ng tao sa La Salle before nagagandahan naman talaga sa kanya.

“So ‘yun, when I saw her, naging crush ko siya that time. Siyempre nagandahan ako sa kanya,” kuwento ni David sa report ng Philippine Entertainment Portal.

Dagdag ng aktor, siya ang nag-first move o unang nagparamdam kay Arra noon.

“Naalala ko ‘yung friend ko, sabi sa akin, ‘Uy, meron akong crush sa La Salle.’

“Kasi hindi ko alam pangalan niya eh, sabi ko, ‘Oh talaga sino?’

“Tapos pinakita niya sa akin ‘yung picture ni Arra nga, tapos pagkakita ko, ‘Uy, ito ‘yung nakita ko sa isang restaurant sa Taft ah… So, ‘yun, in-add ko lang sa Facebook,” natatawang sabi pa ni David.

Sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong March, inamin ni Arra na umabot lang sila sa “talking stage” ni David noong nag-aaral pa sila sa college.

Dahil sa pagiging busy sa pag-aaral ay hindi raw nauwi sa relasyon ang pag-uusap nila. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on