WebClick Tracer

Smuggled na poultry, seafood products nasabat ng BOC sa Navotas

Tinatayang nasa P120 milyon na halaga ng smuggled umano na poultry at seafood products ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Navotas.

Nakuha umano ang mga produkto matapos ang isinagawang raid sa pitong cold storage facilities.

Karamihan umano sa mga frozen na seafood ay mula sa China habang ang mga smuggled na beef naman umano ay galing sa Brazil at Australia.

Samantala, ang mga pork product naman ay mula sa United States at Russia.

Ipapatawag umano ang mga may-ari ng nasabing produkto at kinakailangan na maglabas ng importation documents o patunay na hindi smuggled ang mga produkto.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on