WebClick Tracer

Pagbida ni David Licauco, Barbie Forteza sa isang music video ipinasilip

Ipinasilip na ang music video kung saan bumida ang tambalan ni David Licauco at Barbie Forteza, ito ay para sa awitin ng Ben&Ben na ‘The Way You Look At Me’.

Sa unang parte ng video ay tila nasa isang date ang dalawa at nagpapakilala pa lamang sa isa’t isa. Sa mga sumunod naman na parte ng video ay ang ilang kilig scenes ng dalawa ngunit tila may isa pang babae ang eeksena sa nasabing music video.

Mabilis naman na sinugod ng ilang fans ang nasabing post at nagbigay ng kanilang hirit.

“Omgggg mukang mapanakit itong MV nyo #BarDa. Excited nakooo #BarDaWayYouLookAtMeMV”

“sobrang ganda, congratulations @davidlicauco and @dealwithBARBIE BarDa MVTrailer

#BarDaWayYouLookAtMeMV”

“Excited na ako for this MV.. Parang nakakaiyak yung story ni D sa MV. Tapos parang imaginary lang si B dahil sa kanyang past love..”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on