WebClick Tracer

Kanin, gulay, karne pangunahing pagkain na sinasayang ng mga Pinoy

Ang kanin, gulay at karne ang tatlong pangunahing pagkain na sinasayang ng mga Pinoy.

Ayon ay Dr. Eva Go­yena, isang senior science research-specialist sa Department of Science and Technology-Food Nutrition Research Institute, malaking porsyento umano ng kanin, isda at gulay ang nasasayang na pagkain sa bansa.

Nasasayang din naman umano ang karne at manok ngunit hindi ito kasingtaas isda at gulay.

Ang kanin naman umano ang pinakamalaking bahagi na nasasayang sa lower income group.

Samantala, kadalasan naman umano na ang mga natitirang pagkain ay ibinibigay na lamang sa mga alagang hayop.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on