Isang exotic cat na na-rescue sa Cincinnati ang nagpositibo sa cocaine, ang nasabing exotic cat ay isa umanong serval.
Ang serval ay may pangalan na Amiry, ito ay na-rescue noong Enero matapos makawala sa isang sasakyan.
Matapos makuha ay idinala ang serval sa isang shelter, dito na napagalaman na nagpositibo ito sa cocaine.
Ang pagsasagawa umano ng drug test sa napuntahang shelter ng serval ay bago nitong pamamaraan.
Nagsimula ang kanilang drug test sa mga na-rescue na hayop matapos magpositibo ang isang unggoy sa methamphetamine.
Hindi pa alam ng shelter kung sinadya ba sa nasabing hayop ang paggamit sa cocaine ngunit posible umanong aksidente na nagamit ito ng serval.
Patuloy naman umanong ginagamot sa shelter si Amiry.
(CS)