WebClick Tracer

CocoJul fans 4 taon nagtiis: Yassi todo halik, yakap kay Coco

Gigil na gigil ngayon ang mga netizen sa aktres na si Yassi Pressman dahil ‘di umano sa pagiging malapit at sweet nito kay Coco Martin.

Sa Twitter, isang netizen ang nag-post ng mga paghalik at pagyakap ni Yassi kay Coco.

Matatandaang naging magkatrabaho ang dalawa sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN.

Mapapanood sa naturang video ang compilation ng behind-the-scene kulitan at sweet moment ng dalawa.

Dahil dito, marami sa mga fan nina Coco at Julia Montes ang naglabas ng saloobin.

“Yassi pressman? syempre ipagtatanggol nya si issa, gawain niya yan rin eh HAHAHAHAH paisa lang te ang tagal namin nagtimpi sayong bwiset kaaa 4 yrs din yon!! madami pa yan gg ka you reap what you sow,” caption sa post.

Samantala, mapapansin din ang screenshot kung saan ni-like ni Julia ang isang post tungkol sa paglayo sa isang lalaki kung may kasintahan na ito. Maging ang pag-unfollow nina Julia at Yassi sa isa’t isa ay naka-screenshot din.

(STN)

TELETABLOID

Follow Abante News on