Muling nabuhay ang kilig ng mga netizen sa tambalan ni Jane de Leon at Janella Salvador matapos ibahagi sa social media ni Janella ang mga larawan nila ni Jane.
Makikita sa mga larawan na bumida ang dalawa sa isang photoshoot at may ilang pose pa na tila magkayakap ang dalawa.
“Happy Women’s Month” saad sa caption ni Janella.
Kilig naman ang naramdaman ng netizens matapos makita ang mga larawan.
“GL series na bhieee .. waiting na kaming mga acclaaa ..”
“JaneNella also represents a new generation, where people are more open.”
“gl series iz waving”
Binuo ng mga netizen ang tambalan ng dalawa matapos magkasama ang mga ito sa programang ‘Darna’.
(CS)