Proud mom si Pauleen Luna matapos sumabak sa unang araw ng gymnastics class ang kanyang anak na si Talitha.
Nag-post ang “Eat Bulaga” host sa Instagram ng video ng kanyang 5-year-old daughter habang naglalakad sa balance beam at ginagabayan ng coach.
“First day at Gymnastics Class,” sey ni Pauleen sa caption.
Nag-viral ito at nakatanggap ng positive comments mula sa netizens.
“Wow, galing naman ni Tali at nagiging super active na. Nagi-gymnastics na at next naman ballet lessons. Way to go Tali! Malay mo maging member ka ng PH Gymnastics team in the future.”
“Wow, Tali might be the next gymnastic gold medalist.”
“Galing nman ni tali.”
(IS)