WebClick Tracer

Agham, BIR Road tatawaging Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue aprub sa 2nd reading

Aprub na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na palitan ang pangalan ng Agham Road at BIR Road sa Quezon City at tawagin itong Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue.

Ang House Bill 7413 ay akda nina Representatives Antonio Albano (Isabela), Arjo Atayde (Quezon City), Marvin Rillo (Quezon City), at Romeo Momo (Surigao del Sur).

Ang Agham Road ay mula sa kanto ng North Avenue hanggang Quezon Avenue. Pagtawid naman sa kabila ay tinatawag na itong BIR Road na hanggang East Avenue naman.

Sa ilalim ng panukala, ang buong kalsada mula sa kanto ng North Avenue hanggang East Avenue ay ipapangalan na sa dating senadora.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang inatasan na gumawa ng mga hakbang sa pagpapatupad ng panukala. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on