Lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na hindi bababa sa 69 porsiyento ng mga Pilipino na hindi pa bakunado laban sa COVID-19 ay nagdududa pa rin sa COVID-19 vaccines.
Nasa 62.6 milyong adult Filipinos o 87% naman ang bakunado na laban sa COVID-19.
Sa 13% namang unvaccinated Pinoy o wala pang bakuna kahit isang dose, 12% ay payag magpabakuna habang 69% ang ayaw. 19% naman ang undecided.
“12 percent of unvaccinated adults are willing to get the vaccine, 69 percent are unwilling,” sabi ng SWS.
Samantala, mas mataas din ang ayaw magpa-booster sa 44% habang 32% ang gusto.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 10-14, 2022 at inilabas nitong Huwebes.
(IS)