WebClick Tracer

Desmond Bane sinabit ang kamay sa ‘alaga’ ni Kevin Love, pinatalsik sa laro

Desmond Bane Kevin Love

Napatalsik si Desmond Bane sa laban ng Memphis Grizzlies at Miami Heat matapos nitong sadyain na isabit ang kaniyang kamay sa ‘alaga’ ni Kevin Love.

Habang paatake si Bane ay tila sinadya nitong tamaan ang ‘alaga’ ni Love dahilan upang mapabagsak ito sa sakit.

Mabilis naman na napagdesisyunan ng mga referee na palayasin sa court si Bane matapos ang ginawa nito.

“Desmond bane got ejected for hitting Kevin Love’s groin” saad sa caption Fastbreak Breakfast.

Ito ang kauna-unahang ejection ni Bane sa kaniyang career. Tinapos ni Bane ang laro na mayroong 11 puntos.

Samantala, patuloy na hindi nakakasama ni Bane at ng Grizzlies si Ja Morant matapos itong suspendihin ng NBA ng walong laro. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on