Kabilang sa naghatid ng saya sa 2023 PBA All-Star sa Passi, Iloilo kamakailan ang magkakampi sa Magnolia Hotshots na sina Jio Jalalon at Calvin Abueva.
Ilang araw na ang nakalipas matapos ang PBA All-Star ay pinag-uusapan pa rin ang naging showdown ng binansagang Cyclone at The Beast ng liga.
Sa PBA Facebook page, makikitang humakot na ng mahigit 90,000 reaction ang dance off ng dalawa sa “Jumbo Hotdog” song ng Masculados.
Hindi nagpadaig sa isa’t isa sa paggiling sina Jalalon at Abueva.
Naghiyawan sa kanila ang audience na nasa Passi Arena maging ang ilang kapwa nila player na sina Robert Bolick at Mark Barroca.
“It’s my first time to enjoy the PBA ALL-STAR game in all aspects ng event I LOVED IT!” sabi ng isang netizen.
Sambit naman ng isa, “Abueva tlga nagdala s all star entertainment.”
“This is awesome,” react ng isa pang netizen. (IS)