WebClick Tracer

Bebot paralisado matapos ibagsak ng magnanakaw sa sahig

Isang bebot mula sa Texas ang posibleng habang buhay na maging paralisado matapos ibagsak ng magnanakaw sa sahig.

Sa kasalukuyan, si Nhung Truong, biktima, ay hindi na magamit ang kaniyang isang binti matapos nakawan ng isang lalaki.

Ayon sa mga awtoridad, sinusundan na umano ng suspek ang biktima habang ito ay papunta sa bangko para mag-withdraw.

Makikita naman sa video na ibinahagi sa social media ng Houston Police Robbery na nagpupumilit pang makatakas ang babae ngunit sa lakas ng magnanakaw ay hindi na rin nakapalag pa ang biktima.

Tinataya naman na nasa $4,300 ang nakuha sa biktima.

(CS)


TELETABLOID

Follow Abante News on