Excited na sina Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon at Jana Roxas sa nalalapit nilang kasal.
Masayang ibinida ng aktor ang prenup photos nila ni Jana sa Instagram na kinunan pa sa Dubai.
Makikita sa ilang photo na nasa yate sila at nasa background nila ang iconic hotel sa Dubai na Burj Al Arab.
May kuha rin sila habang nasa disyerto at nakasakay sa camel.
“Counting the days until forever begins,” sabi ni Ejay sa kanyang caption.
Samantala, nag-post din si Jana ng ilang larawan sa kanilang pictorial.
Sabi niya sa kanyang caption: “Together is a beautiful place to be.”
Na-engaged sina Ejay and Jana noong August 2022.
Bali-balitang sa March 25, 2023 sila ikakasal. (IS)