Dumalo sa 95th Academy Awards sa Hollywood, California ang Filipino actress na si Dolly de Leon.
Ang kanyang pelikulang “Triangle of Sadness” ay nominado para sa Best Picture at Original Screenplay.
Nominado rin ang Swedish filmmaker nito na si Ruben Ostlund bilang Best Director.
Bagama’t hindi siya nakakuha ng personal nomination, tuwang-tuwa si De Leon na dumalo sa Oscars dahil nakakuha ng ilang nominasyon ang “Triangle of Sadness”.
Sa kanyang Instagram ay nagbahagi siya ng larawan niya habang nasa Dolby Theatre.
“May pa i-snacks si mayor dito kina kuya oscar,” biro niya sa caption. (IS)