WebClick Tracer

Ayaw pakabog! Calvin Abueva pinakita bagets na galawan

Pinatunayan ni Calvin Abueva na hindi lang siya sa court magaling kundi pati na rin sa dance floor.

Sa isang video na ibinahagi ng PBA Connect sa social media, makikita ang todo giling ni Calvin sa awitin na ‘Jumbo Hotdog’.

Makikita pa sa dulong parte ng video na sandali siyang sinamahan ni Scottie Thompson sa pagsayaw.

“HANDANG HANDA na si Calvin sa dance showdown” saad sa caption ng PBA Connect.

Aliw na aliw naman ang ilang netizens sa paggiling ni Calvin.

“Yung ilang beses kong pinanuod. haahahahha”

“baka kapampangan Yan! nyaman na ken soyk!”

“de talaga complete Ang tropa pag walang pa bida kaka tuwa”

TELETABLOID

Follow Abante News on