WebClick Tracer

Kelot na ipapa-Tulfo misis, binaril sa ulo

Nasawi ang isang lalaki na dudulog sana sa programa ni Senador Raffy Tulfo para ireklamo ang kanyang misis.

Kinilala ang biktima na si Joseph dela Cruz, 42, at nakatira sa Barangay Gulod sa Quezon City.

Sa ‘Wanted sa Radyo’, dinetalye ang irereklamo sana ni Joseph sa kanilang public service program.

“Yung asawa ni Joseph na isang OFW na parang may kinakasama na atang iba at hindi na nagbibigay na ng sustento sa pamilya nila,” wika ni Atty. Blessie Abad.

“Noong madaling-araw papunta na sila dito, nabaril sa ulo si Joseph dela Cruz,” saad pa niya.

Salaysay ng kapatid ng biktima, isang lalaki raw sa kanilang lugar ang nag-abang kay Joseph.

“Palabas pa lang po sa eskinita dito sa may lugar namin, bigla na lang pong… may bumaril po bigla, may nakatambay pong lalaki don,” wika ng utol ng biktima.

Mabilis naman umanong nakatakas ang suspek sakay ang motorsiklo.

Ayon sa pulisya, kanila nang ikinasa ang operasyon para mahuli ang hinihinalang salarin sa pagkamatay ni Dela Cruz.

Samantala, nangako naman si Tulfo ng burial at financial assistance para sa mga naulila ng biktima. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on