WebClick Tracer

Rochelle Pangilinan natutong manapak dahil sa SexBomb

Inalala ni Rochelle Pangilinan noong mga panahon na kinailangan niyang maging palaban upang maprotektahan ang mga kamiyembro niya sa SexBomb Girls.

Kuwento ni Rochelle, siya ang tumatayong lider ng SexBomb at dahil dito’y naranasan niyang mamukol ng boots, ng bangko at kung anu-ano pa dahil sa ilang bastos na fan.

May pagkakataon pa raw na umiyak ang mga kamiyembro niya dahil nahipuan ng fans habang papunta ng sasakyan.

Natuto rin daw siyang manapak para maipagtanggol ang SexBomb.

“May mga pinukol ako ng boots, ng bangko, ng ganito, may napaaway kami sa ganitong lugar kasi hinipuan si ganito, si ganyan… Bilang lider ng SexBomb, doon ako natutong manapak,” ani Rochelle sa ulat ng Philippine Entertainment Portal.

Kalaunan ay natuto na raw ang mga kamiyembro niya na protektahan ang kanilang mga sarili.

“Kailangan protektahan ang private parts na dapat mong protektahan. Nahihila ang buhok at private parts, doon kami naging macho. Lahat kami, palaban talaga kami,” patuloy niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on