Prangkahang sinagot ni Gretchen Ho ang tanong ng netizen kung tibo ba siya?
Nag-post si Ho ng mga photo niya sa pakikipag-bonding niya sa mga kapwa biker, na karamihan ay mga lalaki.
Nakasuot si Ho ng biker shades, T-shirt, cycling shorts at rubber shoes.
“Nakasubok din ng MTB. Ang saya pala,” saad niya sa caption.
Isang follower niya ang nagtanong ng, “Are you a lesbian?”
Sey naman ng former volleyball player, “100% girl.” (IS)