WebClick Tracer

Liza Soberano na-pressure sa KathNiel, JaDine

lizquen kathniel jadine

Inamin ni Liza Soberano na na-pressure siya sa competition ng LizQuen, KathNiel at JaDine.

Ang tatlong nabanggit ang ilan sa mga popular na love team sa bansa.

Naitanong kay Liza sa legit lie detector test ni Bea Alonzo kung na-pressure siya sa madalas na pagkukumpara sa kanila ng media.

“Yes,” ang naging sagot ni Liza.

Subalit aniya, hindi raw dahil sa media siya nape-pressure kundi sa kikitain ng bawat project nila.

“It’s more of like… not the fans either… it became like a competitions of who could make more hits. Especially with movies. I don’t see it as a healthy competition when money is involved,” ani Liza. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on