WebClick Tracer

‘Hello, Love, Goodbye’ unang inalok sa LizQuen

Isiniwalat ni Liza Soberano na sa kanila ni Enrique Gil unang inalok ang blockbuster film nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye”.

Kumasa si Liza sa legit lie detector test ni Bea Alonzo sa vlog ng huli kung saan naikuwento ng una ang tungkol sa pelikula.

Gustong-gusto raw sana niya ang nasabing pelikula subalit dahil sa may nakalinya sa kanilang iba pang project ay nabalitaan na lang umano niyang kay Kathryn Bernardo na ito binigay.

Bago rin daw maging si Alden ang leading man nito, kay Enrique muna balak itambal si Kathryn sa nasabing pelikula.

Nakiusap pa raw si Liza na ireserba sa kanila ni Enrique ang “Hello, Love, Goodbye”.

Inamin din ni Liza na natakot siya nang muntik ipareha si Enrique kay Kathryn.

“‘Yung ‘Hello, Love, Goodbye’ ni Kathryn and Alden was actually offered to Quen and I first. I wanted to do that movie so bad but then they were like, there’s another project lined up for the both of you. Tapos while we were doing ‘Bagani’ nabalitaan ko that… at first they offered that to Kathryn and Quen… and that scared the shit out of me…

“I was like, why did they do that, I ask them to save the project for me and Quen… parang ‘Please wait for us’ kasi they told us din nung pinitch sa amin na hindi puwedeng gawin agad kasi they have to develop it more… and so I was like, ‘OK we’ll wait for it, please hold it for us’ and then nalaman ko na lang bigla that they were offering it to Quen still but with Kathryn and I was scared that like after ‘Bagani’ and then when I do ‘Darna’ wala na ‘yung LizQuen,” lahad ni Liza.

Kalaunan na lang daw niya na-realize na marami siyang hindi nagawa sa career niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on