WebClick Tracer

Suspek sa pagtodas sa Negros Oriental gov natagpuang patay

Isa pang hinihinalang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang natagpuang patay sa hot pursuit operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa ulat, pinaniniwalaan na ang bangkay ay iniwan ng iba pang mga suspek na tumakas sa lugar dahil mayroon itong tama ng bala.

Nitong Linggo, Marso 5 ng madaling-araw ay narekober din ng mga awtoridad limang assault rifle, isang RPG na may limang ammunition, apat na bandoliers na loaded ng plate, isang rifle case, dalawang combat uniform, isang grey sweatshirt at tatlong pares ng combat boot.

Noong Sabado, napatay ng pulisya ang isang suspek at naaresto ang tatlong iba pa sa walang habas na pamamaril sa bahay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

TELETABLOID

Follow Abante News on