WebClick Tracer

Ryan, Paolo out din sa ‘Eat Bulaga’! Tito, Vic, Joey bubuo ng sariling programa

Lalong sumingaw ang gusot sa pagitan ng production company na TAPE Incorporated at mga host ng ‘Eat Bulaga’ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Ayon sa source ng Abante, nagkaroon ng meeting kasama ang mga host ng naturang noontime show.

Present sa meeting sina Tito Sotto at Joey de Leon na unang napabalitang mawawala na umano sa ‘Eat Bulaga’ dahil gusto raw silang patalsikin ng mga Jalosjos para angkinin ang brand ng naturang noontime show.

Kasama umano sa planong alisin ng mga Jalosjos ay ang matagal nang executive ng TAPE na si Tony Tuviera.

Ang pagpupulong naman ay para magsagawa ng loyalty check sa ilan pang talent ng ‘EB’ tulad nina Jose Manalo, Wally Bayola at Allan K, na nais ng mga Jalosjos na manatili sa noontime show.

Batay sa impormasyong nakalap ng Abante, handa na ang trio nina Tito, Vic Sotto at Joey de Leon na kumalas sa ‘Eat Bulaga’ at  gumawa ng sarili nilang programa na papangalanang ‘Dabarkads’.

Hindi pa batid kung makakasama ba ng TVJ ang iba pang host ng ‘Eat Bulaga’ sa kanilang planong show.

Hindi lang kasi Tito, Vic and Joey ang inaayawan ng mga executive ng TAPE Incorporated na hawak ng pamilya Jalosjos.

Kasama rin umano sa kanilang gustong alisin ay sina Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang TAPE Incorporated hinggil sa posibleng pag-alis ng mga host sa ‘Eat Bulaga’.

Nakatakda naman magpatuloy pa ang ‘EB’ dahil may tatlong taong kontrata pa ito sa GMA, ayon sa source ng Abante.