Bago matapos ang Pebrero, may entry pa ng kagwapuhan si Atom Araullo. Sa pamamagitan ng isang social media post, ibinida nito ang kaniyang balbas-sarado na datingan habang seryosong nakatingin sa camera.
Ayon kay Atom, “felt kyut” umano siya sa nasabing larawan.
“Felt kyut di ko ide-delete later bakit ba”
Ilang netizens naman ang tila kinilig sa balbas-saradong si Atom.
“Bawal po i-delete. Pampaswerte po ito sa pagpasok ng March.”
“Hindi na pwede idelete!!!”
“Regardless of you deleting this later, this picture will live in my mind rent-free forever!”
Sa kasalukuyan, pumalo na sa lagpas 17,000 likes ang pumuso sa nasabing larawan.
(CS)