WebClick Tracer

Brgy. captain sa Lipa, patay sa pamamaril

Patay ang 60 taong gulang na brgy. captain sa Lipa City matapos itong barilin.

Kinilala ang biktima na si Vivencio Palo, residente at brgy. captain ng Brgy. San Carlos, Lipa City, Batangas.

Tinamaan umano si Palo sa iba’t bahagi ng katawan, nangyari ang pamamaril bandang alas-singko ng madaling araw.

Mabilis naman umanong sinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.

Samantala, nakatakas naman ang suspek.

Posible umanong tungkol sa politika ang nangyaring pamamaril dahil nakatakda muling tumakbo sa isa pang termino ngayong paparating na eleksyon ang biktima bilang brgy. captain ng Brgy. San Carlos.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on